Mga Pilipinong May Tali sa Leeg
Ako ay isinilang sa lupang pinagpala. punong- puno at hitik na hitik ng labis na kagandahan at kayamanan. Ito ay ipinagkaloob ng poong maykapal para sa ating mga Pilipino. madaming mga pilipinong nagbuwis ng buhay makamit lamang ang matagal nang tinatamasang kalayaan. tunay ngang lumaya din tayo sa mga walang pusong mananakop, subalit tunay nga ba tayong malaya hanggang sa ngayon?
Ating paulit-ulit na ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan, ang edsa tuwing agosto at kung anu-ano pang mga makabayang pagdiriwang, subalit, pagkatapos ng mga pagdiriwang na ito, tayo ay bumbalik pa rin sa dating gawi.sinasabi nating mahal natin ang ating bayan, pero sa wika pa lang, bagsak na agad tayo. mapunta ka lang sa mga high-end na mall, ang lagi mong maririnig ay mga pinoy na ingles ng ingles na tila ay nais ipakita sa mundo na sila ay mayaman. may kinalaman ba ang wika sa yaman ng isang tao? sigurado ako, na sila ay nagiingles sapagkat nais nilang iparamdam sa iba na nakaangat sila sa buhay. kung sa normal na talstasan pa lang ay ganyan na ang pagtingin natin sa ating sariling wika, paano pa kaya sa isang akademikong sitwasyon, malamang mas lalo itong mahirap. sa isang paaralan na nagdiriwang ng linggo ng wika, nang pinapalinya ng guro ang kanyang mga mag-aaral para sa selebrasyon nila ng linggo ng wika, kanyang nasabi: "Class, form your line" (ang lakas ng loob mag-Ingles).
Una sa lahat, hindi masama ang loob ko sa wikang Ingles, I am actually an english teacher for crying out loud! subalit, ang problema ay masyado na ata tayong nawawala sa ating pagkakakilanlanan bilang mga Pilipino (out of the context na ang peg). tayo ay nadadala sa mga makakanluranin na mga pag-iisip (tunay na nakakalungkot).
pagkatapos ng selebrasyon ng ating kalayaan, buwan ng wika, at edsa tuwing agosto, ang mga Pinoy ay balik sa dating gawi. kung iisipin mo, tayo nga ba ay tunay na malaya? sa kaibuturan ng ating "unconscious mind" tayo ay alipin ng isang dayuhang wika.
balik sa dating gawi. bahala na si batman...
kawawa naman tayong mga Pilipino. Tunay nga ba tayong malaya pagkatapos barilin si rizal, at i-execute si Bonifacio? sagutin nga natin itong tanong na ito? merong mga pinoy na maski ang kanilang kapwa Pilipino ay garapalan nilang inaalipin. biruin mo, sa sarili pa nating bayan, kapwa pilipino pa ang nang-aapi sa atin. kung nais natin ng halimbawa, pumunta ka lang sa iyong munisipyo, nandoon ang kurakot na mayor. pumunta ka lang sa kongreso, naroon ang mga matitigas na mukha ng mga "congressman" at mga senador. maging ang mga sarili nating pinuno ng bayan, inaalipin tayo sa kanilang labis na pagkamkam ng kaban ng bayan. hindi man lang nila napansin ang mga kababayan nating nakatira sa ilalalim ng tulay at sa tabi ng mga maduduming ilog.
naalala ko nang ako ay pauwi at sasakay ng LRT. sa hagdan ng LRT, ang daming mga gusgusing bata na may mga hawak-hawak na mga plastik na baso at nanlilimos. gusto ko man bigyan ng barya pero nagtitipid ako ng pera eh, pakiramdam ko tuloy ang damot-damot ko. subalit, ang barya na maari kong ibigay sa kanila ay isang pang-madaliang solusyon lamang. bakit di magawan ng solusyon ang mga bagay na iyon. nasa kamay ng mga mambabatas, senador, alkalde, barangay captain ang solusyon. subalit ano na ang nangyari? wala... sila sila lang din ang nakikinabang. ang isang ordinaryong manggagawa na nagbabayad ng buwis ay nasasayang lamang ang mga pinagpaguran nang dahil sa kakapalan ng mukha ng mga politiko.OBVIOUS na ito sa ating lahat. akusahan man ako ng kawalan ng ebidensya sa mga binabanggit ko, di na kailangan, kasi ito ay isang normal na kaalaman na lamang para sa ating lahat.
ito ay isang normal na kaalaman sa ating lahat? ayan ang ebidensya na tayo nga ay mga alipin ng kapwa nating pilipino...
tayo ay alipin ng banyagang wika, at alipin din tayo ng ating kapwa pilipino. hindi ba't nakakaawa tayo? kalunos-lunos na ang ating kalagayan.
Sa mata ng isang batang tila nagtutula sa jeep tungkol sa kanyang gutom, sa mata ng isang inang wala nang mapakain sa kanyang mga anak sa hapag, sa mata ng isang ordinaryong manggagawa na nagsisikap upang mabuhay ang pamilya, makakakita pa ba sila ng bukas na may liwanag?
sabi nila, nasa ating mga kamay na mga ordinaryong tao ang solusyon, pero ang hirap eh, parang ang kalaban natin ay ang buong universe.
ano bang magagawa ko bilang isang manunulat sa blog na ito? alam ko, itong aking mga sinulat ay maaring makadagdag sa mga gawain sa pagpapalaya ng ating bansa, pero kung iisipin mo baka nga iilan lamang ang makabasa nito... pero sana ako ay pagpalain na mabigyan ng maraming mambabasa...
Mayaman ang ating wika subalit, wala ito sa puso natin. Mayaman din ang ating bansa, pero mas madami ang may maiitim na puso na nagnanais na kamkamin ang lahat. di pa siguro huli ang lahat, siguro kailangan pa natin ng mas matinding kamulatan, at marahil ay kailangan pa nating mas lubusang masaktan at mayurakan para magkaroon ng pagbabago.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento