Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre 4, 2013

Mga Pilipinong May Tali sa Leeg

Ako ay isinilang sa lupang pinagpala. punong- puno at hitik na hitik ng labis na kagandahan at kayamanan. Ito ay ipinagkaloob ng poong maykapal para sa ating mga Pilipino. madaming mga pilipinong nagbuwis ng buhay makamit lamang ang matagal nang tinatamasang kalayaan. tunay ngang lumaya din tayo sa mga walang pusong mananakop, subalit tunay nga ba tayong malaya hanggang sa ngayon? Ating paulit-ulit na ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan, ang edsa tuwing agosto at kung anu-ano pang mga makabayang pagdiriwang, subalit, pagkatapos ng mga pagdiriwang na ito, tayo ay bumbalik pa rin sa dating gawi.sinasabi nating mahal natin ang ating bayan, pero sa wika pa lang, bagsak na agad tayo. mapunta ka lang sa mga high-end na mall, ang lagi mong maririnig ay mga pinoy na ingles ng ingles na tila ay nais ipakita sa mundo na sila ay mayaman. may kinalaman ba ang wika sa yaman ng isang tao? sigurado ako, na sila ay nagiingles sapagkat nais nilang iparamdam sa iba na nakaangat sila sa buhay. kung sa ...